Karunungan ni Solomon 7:22
Print
sapagkat ang Karunungan na humugis sa lahat ng bagay ang siyang nagturo sa akin. Ang diwa ng Karunungan ay matalino at banal. Iisa ang kanyang likas ngunit nahahayag sa maraming paraan. Siya'y dalisay at walang katawang materyal, at malayang kumikilos; malinis, nagtitiwala at di maaaring mapinsala; maibigin sa mabuti, matalas at di malulupig.